crumbled walls
We say we can take care of ourselves. We’re too afraid to admit that we need a little help from somebody else, thinking that those walls we have built years ago, to protect us from pain, will crumble. We’re afraid to let somebody in, thinking that we’ll be consumed by too much love, passion and attachment, that we’ll be left alone with our hearts crushed. But the truth is we’re too afraid to admit that we also need somebody who will take care of us, no matter what. Somebody who will remind us once in a while that we’re not that strong enough to do all the caring alone.. That we need two more hands to hold ours when we’re just too weak to go on.
Dahil sa malungkot ka makikipagrelasyon ka na sa kanya? tapos pag ok na kayo ng dati mo babalik ka? di magandang ugali yan.
– Papa JackNaiwan:
Siguro masasabi mong naka-move on ka na kapag hindi ka na vulnerable sa sakit. Yung tipong kahit marinig mo pa yung pangalan nya sa ibang tao, wala ka ng mararamdamang lukso sa puso mo. Yung kahit makita mo siya sa iba, hindi ka magiging malungkot, hindi ka masasaktan, sa halip, makakaramdam ka pa ng saya para sa kanya. Yung bitterness sa sarilli mo mawawala na. At higit sa lahat, makakaya mo ng harapin ang mundo ng wala siya, makakaya mo ng sumabay sa agos ng buhay ng mag-isa, makakaya mo ng buksan yung puso mo para magmahal ng iba.
Hindi ganun kadali ang mag-move on lalo na kung naging attached ka ng lubusan sa kanya. Mas lalong hindi magiging madali kung minahal mo siya ng higit pa sa kahit anong bagay na nag-rerevolve sa mundo mo. Hindi yan pinipilit. Kusa yang darating. Mag-enjoy ka kasama ng ibang tao, hindi lang siya ang makakapagpasaya sayo. Hindi nauubos ang oras, pero nasasayang to. Kaya wag mong ipagpabukas ang pagmo-move on. Kung alam mong wala ng pag-asa at alam mong wala ng patutunguhan yung binitawan mo, umpisahan mo na as soon as possible. Hindi mo na lang mamamalayan, gigising ka isang araw na wala na talaga, nakangiti ka na kahit wala siya, at higit sa lahat, makakaya mo na uling harapin ang napakagulong mundong to kahit na nag-iisa ka.






